Digital Access
Hangad ng Daungan (Port) ng San Francisco na madaling magamit ng lahat ang website na ito. Sinusunod namin ang mga patakaran sa madaling pag-access (WCAG 2.1, Level AA) at pag-access sa wika (San Francisco Language Access Ordinance).
Kung may bagay sa website na ito ang hindi gumagana para sa iyo, mag-email sa tagapamahala ng website ng port (webmaster@sfport.com). Mangyaring isama:
- Ang webpage o URL
- Ano ang problem
Kung nagtatrabaho ka para sa Lungsod o nag-aaplay para sa isang trabaho at nangangailangan ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa Human Resources.
Pag akses gamit ang wika (Language Access)
Hatid ng Daungan ang :
-
Live na pagsasalin wika
-
Mga isinaling materyales ng pagpupulong kung hihilingin ito
Kung kailangan ninyo ng taga pagsalin-wika, mag email po kay Lucinda Hom, ang Language Access Liason ng Daungan, sa (lucinda.hom@sfport.com). Mangyari po lamang na magbigay ng palugit at mag email ng dalawang buo o higit pang araw bago ang pagpupulong para matiyak namin na may suportang na nakahanda para sa inyo.
Makipag ugnayan po lamang sa Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs kung ninanais ninyong mag sampa ng reklamo patungkol sa pag akses gamit ang wika.
Pag akses sa mga Pagpupulong (Meeting Access)
Ang mga pampublikong silid para sa mga pagpupulong ay may mga madaling ma-akses na mga pasukan, at may malapit na mga water fountain at mga palikuran o CR (restroom).
Ang mga tanggapan ng Daungan ay matatagpuan sa Pier 1 sa Embarcadero.
Ang silid sa Pagdidinig (Hearing Room) ng Komisyon ng Daungan (Port Commission) ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Ferry Building.
Hatid po namin ang mga sumusunod na serbisyo:
-
Mga gamit pantulong para mas makarinig (Assistive listening devices) sa mga pampublikong pagpupulong
-
Madaling ma-akses at gamitin na mga upuan (Accessible seating) sa mga pampublikong pagpupulong
-
Serbisyong TTY sa Pier 1
Kung kailangan ninyo ng tulong, mag email po lamang kay Melanie Kung, ang coordinator ng Daungan para sa Americans with Disabilities Act (ADA) sa (melanie.kung@sfport.com). Mangyari po lamang na magbigay ng palugit at mag email ng hindi bababa o mas maikli nang dalawang buong araw (na may pasok) bago po ang pagpupulong upang matiyak namin na nakahanda na ang mga suportang kakailalnganin.
Mangyari din po sanang huwag gumamit ng mga produktong may matatapang na amoy sa mga pampublikong pagpupulong.
Kung may reklamo po kayo patungkol sa pag akses sa Daungan, mag email po lamang kay Melanie Kung, ang ADA coordinator ng Daungan sa (melanie.kung@sfport.com),
Mangyari po lamang na isama:
-
Ang lokasyon o gusali
-
Paki detalye lang po ang naging problema
Madaling ma-akses na mga paradahan at masasakyan (Parking and Transit)
May mga de-metrong paradahan (metered parking) sa Embarkadero at mga karatig na lansangan nito. Ayon sa tuntunin ng Estado, ang mga sasakyan na may plaka o sinasabit na card (disabled plates or hangers) ng may mga kapansanan ay pinahihintulutang pumarada sa mga de-metrong lugar ng walang bayad.