
Tinataguyod ng Daungan ang sidewalk at mobile vending sa tabing-dagat (waterfront). Dapat tumupad ang mga Vendor sa lahat ng mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan (SB 946).
Nakikipagtulungan ang Daungan sa Public Works sa pagkakaloob ng mga permit para sa pagbebenta sa tabing kalsada. Ang paglalako sa tabing dagat ay inaprobahan nuong 2021 (BOS Ordinance 118-21).
May mga pagkakataon na maaaring baguhin ng Daungan ang mga bagay na kakailanganin para maging angkop sa panahon bago ito magkapag kaloob ng mga permit patungkol sa kung kailan, saan at kung paano makakapaglako ang mga nagtitinda sa mga tabing kalsada (sidewalk). May mga lugar na kung saan maaaring bawal ang pagtitinda sa mga tabing-kalsada. Ang pagbebenta sa ilang mga lugar ay maaaring hindi pinapayagan dahil sa:
-
Mga alalahaning pangkalusugan at pangkaligtasan
-
Dami ng mga nagtitinda na sa isang lugar
-
Kung ang pagtitinda ay nakaka sira sa mga tanawin at natural na kalikasan ng liwasan o pasyalan